-- Advertisements --

Itinigal na ng South Korea ang kanilang military radio broadcast na “Voice of Freedom” sa border ng North Korea, bilang bahagi ng pagpapaluwag ng tensyon sa rehiyon ayon sa Ministry of National Defense ng bansa.

Ang nasabing “Voice of Freedom” ay bahagi ng psychological warfare ng Seoul laban sa Pyongyang. Kung saan naglalaman ito ng mga balita ukol sa pinaniniwalaan ng North Korea, pagpapaunlad ng South Korea, at K-pop culture na layuning impluwensyahan ang opinyon ng mga taga-North Korea.

Matatandaang nag-resume ang broadcast matapos palubugin ng North Korea ang isang barkong pandigma ng South Korea ilang taon na ang nakalilipas.

Sa kabila nito nang maupo bilang Presidente si South Korean Lee Jae Myung noong Hunyo, una niyang iminungkahi ang pagpapahinto sa mga loudspeaker propaganda broadcasts sa border ng North Korea at ipinahayag ang intensyong buwagin ang tensiyon at muling buksan ang dayalogo ng dalawang bansa.

Kaya’t nag-alok si Lee ng isang summit sa pagitan nina U.S. President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.

Ngunit tinanggihan ito ng North Korea at sinabing wala silang interes makipag-usap sa South Korea.

Samantala, nakatakda namang bumisita si Kim Jong Un sa China ngayong linggo upang dumalo sa isang military parade kasama sina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin.