-- Advertisements --

Nakabalik na sa kanilang bansa ang mahigit 300 na South Koreans na inaresto ng mga immigration officers sa Hyundai plant sa Georgia USA.

Lulan ng chartered Korean Air ay dumating sa South Korea ang mga naarestong manggagawa kasama rin ang 14 na hindi Korean nationals na ikinulong mula sa Atlanta.

Sinabi ni South Korean President Lee Jae Myung na bahagyang naantala ng isang araw ang pag-uwi ng mga manggagawa dahil sa utos ng White House.

Ipinag-utos ni US President Donald Trump na tanunging mabuti ang mga manggagawa kung gusto nilang magtrabaho o magsanay sa Americans.