-- Advertisements --

Sinimulan na ng South Korean military ang pagtatanggal ng mga loudspeaker na matatagpuan sa kahabaan ng Demilitarized Zone (DMZ) sa border ng North Korea, ayon sa Department of Defense ng bansa.

Ginamit noon ang mga loudspeaker upang magpatugtog ng malalakas na musika at magbalita patungkol sa labas ng North Korea, bilang bahagi ng kampanya ng bansa na magbigay ng impormasyon laban sa mahigpit na kontrol ng gobyerno ni Kim Jong Un sa media.

Nabatid na ang hakbay ay una nang iniutos ni South Korean President Lee Jae Myung upang pababain ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. Gayunpaman, mariing tinanggihan ng North Korea ang anumang pakikipag-ugnayan sa bagong Pangulo ng South Korea.

Sinabi ni Kim Yo Jong, kapatid ni Kim Jong Un, na wala silang interes sa anumang polisiya o panukala mula sa Seoul at binigyang-diin na ang relasyon ng dalawang Korea ay tuluyan at hindi na maibabalik.

Tiniyak naman ng militar ng South Korea na ang pagtanggal ng loudspeakers ay hindi makaaapekto sa kanilang kahandaan sa seguridad.