-- Advertisements --

Nagbigay babala ang kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na si Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla sa mga indibidwal na may planong guluhin ang umuusad ng kaso sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon sa naturang kalihim hindi aniya pahihintulutan ng kagawaran na makialam ang ilan hinggil sa missing sabungeros case.

Ito’y kasunod nang maaresto ang isang mag-asawa na may kaugnayan o kaanak sa mga nawawalang sabungero.

Kung saan tinangka nitong suhulan pati ang mga kaanak na kabilang sa mga nagrereklamo para lamang iaatras ang kaso.

Kaya’t binigyang diin ni Justice Secretary Remulla na ang gawaing pagharang sa kaso ay maituturing bilang isang krimen.

Kanyang tiniyak na aarestuhin ang mga ito at kakasuhan ng kaukulang kaso sa mga magtatangkang guluhim ang imbestigasyon, istorya at kaso.

Habang kaugnay sa naarestong mag-asawang nanuhol para sa recantation ng kaso, ayon kay Justice Secretary Remulla kanila pang inaalam kung sino ang nasa likod ng pangyayari.