Pinabulaanan ni Greg Slaughter na may mga hiling ito na hindi napagbigyan ng Barangay Ginebra kaya nagpasya na magpahinga mula sa laro.

Sa kaniyang Twitter account sinabi nito na wala siyang natanggap na alok mula sa Barangay Ginebra management kaya wala itong dapat na hilingin sa koponan.

Wala rin itong alam na kasama siya sa trade na pinaplano ng Ginebra.

Ito ang unang pagsasalita ng seven-foot restricted free agent matapos na inihayag na mamahainga siya sa basketball matapos na ang kaniyang kontrata sa koponan ay matatapos na ngayong taon.