Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaslang sa isang skylab driver sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Silfie Gila alyas Jerry,36 anyos, may asawa at residente ng Brgy Manaulanan Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police,Captain Mautin Pangandigan na habang sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo patungong town proper ngunit pagsapit nya sa harap ng Barangay Hall ng brgy Ginatilan Pikit ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo at ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit Municipal Police Station (MPS) sa pamamaril patay sa biktima.