LAOAG CITY – Malalimang imbestigasyon ang ginagawa ng mga otoridad sa pananaksak sa isang SK Chairman sa Brgy. 15 sa lungsod ng Laoag.

Ayon kay Police Lt. Col. Amador Quiocho, hepe ng PNP Laoag, may CCTV footage umano ang pangyayari dahilan upang dito sila magumpisa sa pag-iimbestiga sa nangyaring pananaksak.

Kinilala ang biktima na si SK Chairman Tristan Jade Felipe Cu, residente ng Brgy. 22 San Andres, Laoag.

Nasa maayos na kalagayan na ang SK Chairman habang ginagamot sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital.

Nabatid na matapos kumain ang biktima at ang kasama nito na si Dylan Cunanan ay bigla na lamang dumating ang mga suspek na humantong sa mainit na pagtatalo sa pagitan ng dalawang kampo.

Inilabas ng biktima ang kutsilyo ngunit agad na naagaw ng hindi pa nakilalang suspek at ginamit niya ito upang ipanaksak sa biktima ng dalawang beses.

Agad na nagbayad ang suspek sa kanilang kinain at iniwan ang kutsilyo at agad na umalis sa lugar sa di-malamang direksiyon.