Abanse na bilang top team ang Philadelphia Sixers sa Eastern Conference matapos na masilat ang Brooklyn Nets, 123-117.

Bago ito inabangan ang banggaan ng dalawang powerhouse teams, pero nabigo ang maraming fans dahil hindi pa rin nakalaro ang mga big stars ng Nets.

Nagpapagaling pa rin sa kanilang mga injuries sina James Harden, Kevin Durant, Blake Griffin at LaMarcus Aldridge.

Dahil dito, halos hindi mapigilan ng Nets (37-18) ang pamamayani ni Joel Embiid na nagtala ng 39 points at 13 rebounds habang nagdagdag naman ng 17 points si Ben Simmons para sa 76ers (38-17).

Sa panig ng Nets nasayang ang doble kayod na ginawa ni Kyrie Irving na umiskor ng 23 points sa first half pa lamang at nagtapos sa 37.

Sumuporta naman kay Irving sina Landry Shamet na nagpakita ng 17 points at si DeAndre Jordan na may 12 points at 14 rebounds.