Joel Embiid sixers
Joel Embiid/ IG post

Sasailalim sa operasyon sa kani yang kaliwang daliri si Philadelphia 76ers center Joel Embiid.

Dahil ito ay oobserbahan pa ito ng isa hanggang dalawang linggo bago pa tuluyang makapaglaro.

Natamo nito ang injury sa panalo nila sa Oklahoma City Thunder nitong Lunes.
May average na 23.4 points, 12.3 rebounds ang Sixers player.

Hindi lang ito ang unang beses na nagtamo ng injury ang 25-anyos na si Embiid dahil noong 2018 ay hindi na ito nakapaglaro sa playoffs matapos magtamo ng bone injury sa kaliwang mata.

Pumirma ito ng limang taon na extension sa Sixers na nagsimula mula noong 2019.