-- Advertisements --
ILOILO CITY – Tiniyak ni Janiuay, Iloilo Mayor Bienvenido Margarico, na uusisain ang reklamo ng mga residente sa kanilang bayan kaugnay sa food packs na natanggap nila habang naka-quarantine.
Ito’y matapos ipinaabot ng mga residente ni Barangay Captain A. Tirador na nangangamoy at inaamag na ang bigas, habang expired o sira na ang mga delata at powdered drink na isinuplay sa kanila.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Margarico, sinabi nito na ikinagulat din niya na may expired na food packs para sa nasabing mga residente.
Ayon sa kanya, mula sa Department of Social Welfare and Development ang binigay sa barangay na food packs.
Natanggap ng mga residente ang food packs noong Abril 17 ngunit Abril 15, 2021 ang nakalagay na expiration date.