-- Advertisements --
Patuloy ang paglakas ng tropical storm Siony habang nagbabanta sa extreme Northern Luzon.
Ayon sa Pagasa, taglay na ng bagyong ito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Huling namataan ang sentro ng TS Siony sa layong 565 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Mabagal itong kumikilos nang pasilangan hilagang silangan.
Bagama’t mas tumaas pa ang direksyon nito, kumpara sa inisyal na pagtaya, hindi pa rin inaalis ng Pagasa ang posibilidad na mag-landfall sa maliliit na isla sa dulong Hilagang Luzon ang sentro ng naturang sama ng panahon.