-- Advertisements --

Simula ngayong araw, Agosto 4, magbibigay ang Department of Transportation (DOTr) at MRT-3 ng libreng single journey tickets (SJT) sa mga pasaherong hindi makapag-tap out sa mga station ng MRT-3 dahil sa mga isyu sa sistema sa pilot run ng cashless payment.

Bahagi ito ng direktiba ng pamahalaan na masolusyonan ang mga reklamo ng mga pasahero ng MRT-3 na gumagamit ng cashless payments gamit ang debit/credit cards, QR codes, at mga NFC-enabled mobile devices.

Binabantayan ng ahensya ang mga isyung kinakaharap ng mga pasahero, kabilang na ang mga pagkakataong nababayaran ang pinakamataas na pamasahe na Php 28 dahil sa mga system error sa pag-tap out sa mga exit turnstiles.

Bilang solusyon, bibigyan ang mga apektadong pasahero ng non-expiring Single Journey Ticket na katumbas ng pinakamataas na pamasahe ng MRT, na maaaring gamitin sa kanilang susunod na biyahe.

Para makuha ang libreng ticket, pumunta lamang sa anumang ticket booth ng MRT-3 at ipakita ang patunay ng hindi matagumpay na tap-out transaction.