-- Advertisements --
Napanatili pa ng severe tropical storm Siony ang taglay nitong lakas ng hangin matapos ang landfall sa ilang isla sa extreme Northern Luzon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 50 km sa hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay ng nito ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Signal No. 2: Batanes
Signal No. 1: Babuyan Islands
Samantala, ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Pilipinas ay huling namataan sa layong 1,195 km sa silangan ng Mindanao.
Inaasahang magiging ganap itong bagyo at tatawaging tropical depression Tonyo, na magiging ika-20 sama ng panahon para sa taong 2020.