-- Advertisements --
Ibinunyag ngayon ng kapulisan sa Australia na nagsanay ng ilang buwan sa Australia ang mag-amang suspek sa Bondi Beach shooting.
Ayon sa Australian police na ilang buwan ding nagplano ang mag-ama para sa kanilang-pag-atake.
Nakita sa video ng cellphone ng mga suspek ang pagsasanay ng pamamaril noong Oktubre kung saan makikita ang watawat ng Islamic State group (ISIS).
Nasampahan na ng kasong 15 counts of murder at terror ang 24-anyos na suspek na si Naveed Akram, habang ama nito ay nasawi na si Sajid Akram.
Magugunitang 15 katao ang nasawi dahil sa walang habas na ginawang pamamaril ng mag-amang suspek.
Nakuha sa sasakyan ng mga ito ang mga baril at pampasabog kasama na rin ang bandila ng ISIS.
















