-- Advertisements --

Inilabas ni Queen guitarist Brian May ang unreleased na kanta ng iconic rock band.

Sinabi nito na ang kantang “Not For Sale (Polar Bear)” ay hindi pa naririnig ng karamihan.

Ito ay nairecord nila para sa album nilang “Queen II” noong 1974 subalit hindi na nahabol sa final cut.

Dagdag pa ng 78-anyos na gitarista na matagal na ang kanta subalit marami pa rin ang hindi nakakarinig nito.

Isasama ang nasabing kanta as muling paglabas ng album nilang “Queen II” sa susunod na taon.