-- Advertisements --
Lalakas pa umano ang tropical storm Siony, bago ang landfall nito sa extreme Northern Luzon sa susunod na 48 oras.
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 755 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pasilangan, ngunit mabagal ang pag-usad.
Sa kasalukuyan, taglay na nito ang lakas ng hanging 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa mga sumusunod na lugar: northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) at eastern portion ng Babuyan Islands (Balintang Isl., Babuyan Isl., Didicas Isl., at Camiguin Isl., kasama na ang mga kalapit na islets).