Tanggap na ng singer na si Richard Merk ang pagpanaw ng ina nitong si Annie Brazil sa edad 85.

Ayon kay Richard na bagamat hirap silang magkakapatid na tanggapin ng pagkawala ng inang si Justiniana Bulawin Wolfe sa tunay na buhay na kilalang Philippine Queen of Jazz.

Magugunitang pumanaw si Annie Brazil nitong Martes dahil sa kumplikasyon sa pneumonia.

Kasalukuyang nakaburol ang beteranang singer sa Loyola Memorial Chapels sa lungsod ng Makati.