-- Advertisements --
Phil Collins

Sinulatan ng beteranong singer na si Phil Collins ang kampo ni US President Donald Trump.

Ito ay dahil sa paggamit daw ng kaniyang awitin na walang paalam.

Ang kantang “In the Air Tonight” ay makailang ginamit umano ng campaign team ng US President sa iba’t ibang bahagi ng US.

Nakasaad sa sulat na ayaw ng singer na magkaroon ito ng koneksyon sa kaniya at ayaw niyang paghinalaang na pinapanigan niya si Trump.

Desidido aniya ang kampo nito na maghain ng kaso sakaling hindi pa rin tumigil ang campaign team nito sa paggamit ng kaniyang awitin.