-- Advertisements --

Tinapos na ng Department of Justice ang preliminary investigation ng tatlo sa limang kaso kaugnay sa Bulacan flood control projects.

Tatlo sa mga ito ang ‘submitted for resolution’ na ayon kay DOJ Spokesperson Polo Martinez nang isagawa ngayong araw ang ikatlong preliminary investigation.

Ang pagdinig aniya raw ngayong araw ay ang pagtanggap ng prosekusyon sa mga ‘counter-affidavits’ isinumite ng mga respondents sa kaso.

Alinsunod raw ito nang kanilang hilingin kamakailan ang ‘extension’ sa paghahain ng kanilang salaysay o ‘supplemental counter affidavits’.

Habang ang pagdinig sa nattitirang dalawang kaso nama’y itinakda sa susunod na buwan, ika-5 ng Disyembre para sa mga hindi pa nagsusumite ng kani-kanilang kontra salaysay.