Gerphil Flores
Gerphil Flores/ IG post

Ikinasal na ang singer na si Gerphil Flores sa kaniyang long-time boyfriend na si Brad Libanan.

Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Manila Cathedral nitong Linggo.

Dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at kaanak ng dalawa ang nasabing okasyon.

Nagkaroon ng private reception sa isang sikat na hotel sa Pasay matapos ang kasal.

Taong 2010 ng makilala ang singer sa isang singing contest.