Masayang ibinahagi ng singer na si Carol Banawa ang pagtatapos niya ng master’s degree in nursing sa US.
Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang larawan ng pagtatapos sa Saint Joseph’s College sa Maine.
Dagdag pa nito na hindi niya maipaliwanag ang saya at tuwa ng matanggap niya ang Master of Science in Nursing.
Naging sulit aniya ang kaniyang pagsisikap kung saan sinabi niya na ang pangarap ay kailangan ng panahon, sakripisyo at paniniwala.
Inalala pa nito noong nagsimula siya sa nursing sa taong 2005 kung saan naging nursing aide ito sa Arizona.
Taong 2010 ng makamit niya ang licensed practical nurse certificate at nakumpleto ang associate degree in nursing noong 2018 pagkatapos ay ang bachelor’s degree noong 2020.
Pinasalamatan nito ang mga kaibigan at pamilya na sumuporta sa kaniyang tagumpay.