Hindi pa tinatapos ng Department of Justice (DoJ) ang preliminary investigation kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.
Personal na dumalo sa ikatlong preliminary investigation si Joel Escorial na umaming siyang pumatay sa broadcaster.
Maging ang itinuturong middle man na si Christopher Bacoto ay present din sa pagdinig at naghain ng counter affidavit.
Ayon kay Atty. Salvador Quimpo, bagamat magkababata raw ang self-confessed gunman na si Joel Escorial at kanyang kliyente pero matagal nang walang ugnayan ang dalawa.
Wala raw patunay na nakinabang si Bacoto sa P70,000 cash dahil sa unang salaysay ni Escorial ay hindi nakasali ang pangalan ni Bacoto na nabigyan ng pera.
Sa pamamagitan ng counter affidavit ay itinanggi rin ng kampo ng Bacoto na kasali siya sa nabigyan ng cash dahil binago nito ang kanyang unang pahayag matapos ang apat na araw.