-- Advertisements --
Inalis na ng Pagasa ang lahat ng tropical cyclone wind signals, kaugnay ng bagyong Dante.
Ayon sa Pagasa, bumilis pa ang takbo ng naturang sama ng panahon habang papalayo sa Luzon landmass.
Gayunman, magkakaroon pa rin ng mga pagbuhos ng ulan sa ilang parte ng bansa dahil sa nahatak na ulap matapos tumawid sa mga isla ng ating bansa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 205 km sa kanluran hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan o 190 km sa kanluran timog kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 35 kph o papalayo na sa ating bansa.