-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Patay on-the-spot ang isang komentarista sa radyo matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang sakay ng kanyang motorsiklo kaninang umaga sa Brgy. Mangagoy, Bislig City, sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Kinilala ang biktima na si Erwin Segovia alyas “Boy Pana” na binaril matapos ang kanyang live radio program sa nasabing lungsod.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang alamin ang motibo sa krimen at mapanagot ang responsable.