Nanawagan at nagpaalala ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko at maging sa mga lokal na pamahalaan na manatiling alerto at handa sa mga posibleng magiging epekto ng Bagyong Crising sa bansa.
Posible kasing mas lumakas pa ng bagyo ang Habagat na siya namang magdadala ng malalakas na pagulan sa malalaking bahagi ng bansa.
Ayon kay OCD Officer-in-Charge at Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejeandro IV, dapat bigyang halaga ang pakikinig sa mga abiso at pagsunod sa mga magiging abiso ng mga otoridad.
Nagbigay rin siya ng payo sa mga lokal na pamahalaan na agahan ang pag-activate sa kanilang disaster response plans at agad na rin na mag-preposition ng mga relief goods para sa kanilang nasasakupan.
Samantala, paalala naman ni Alejandro sa mga residenteng naninirahan sa flood-prone areas, maghanda na agad ng mga ‘go bags’ at sumunod sa mga evacuation orders upang matiyak ang kani-kanilang kaligtasan.