Sinuspendi ng Office of the Ombudsman si suspended Government Service Insurance System (GSIS) President Jose Arnulfo Veloso at anim na opisyal.
Ang anim na buwang preventive suspension ay kasunod ng pagbili nila ng stocks mula sa renewable energy firm sa halagang P1.4 bilyon.
Inilabas ang kautusan noong Hulyo 11 kung saan nagbunsod ang suspension dahil sa grave misconduct, gross neglect of duty at paglabag sa regulation na may kinalaman sa investment nila sa AlterEnergy Holdings Corp.
Dagdag pa ng Ombudsman na mayroon silang mabigat na ebidensiya kung saan para hindi maapektuhan ang imbestigasyon ay marapat na sila ay suspendihin.
Base sa Ombudsman , na nilabag ng mga opisyal ang Investment Policy Guidelines ng GSIS.
Pansamantalang itinalaga para mamuno sa GSIS si Juliet Bautista ang executive president for support services.