-- Advertisements --

Nagkaroon na ng kasunduang pangkalakalan sina US President Donald Trump at Pangulong Ferdinand Marcos Jr .

Sinabi ni Trump na lahat ng mga produkto na galing sa Pilipinas ay papatawan na lamang ng 19 percent na taripa mula sa naunang anunsiyo na 20 percent.

Habang ang mga produkto ng US na patungo sa Pilipinas ay hindi na papatawan ng taripa.

Itinuturing din ni Trump na isang makabuluhan ang naging pagbisita ni Marcos sa White House.

Una ng sinabi ni Trump na handa ito ng magkaroon ng trade deal kay Marcos kung saan sinabi pa nito na masyadong mabigat ang hinihirit ng pangulo ng Pilipinas.

Magugunitang maraming mga bansa na ang nakipag-usap kay Trump matapos na ianunsiyo nito ang mga taripa na ipapataw sa kanilang mga produkto na magiging epektibo sa Agosto 1.