Patuloy na uulanin ang malaking parte ng ating bansa hanggang bukas, kahit makalayo na ang bagyong Vicky.
Ayon sa Pagasa, malawak pa rin ang naabot ng ulap na dala ng sama ng panahon, mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Pero habang umuusad ito patungong Palawan, inalis na ng weather bureau ang tropical cyclone wind signal number one sa mga probinsya sa Visayas at Mindanao.
Habang nananatili naman ang ulan sa northern at central portion ng Palawan (Araceli, Dumaran, Taytay, El Nido, San Vicente, Roxas, Puerto Princesa City, Aborlan, Narra, Quezon at Sofronio Espanola), kasama na ang Calamian, Cuyo, Cagayancillo at Kalayaan Islands.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 220 km sa silangan timog silangan ng Puerto Princesa City, Palawan.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.
Habang nananatili naman ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
















