-- Advertisements --

Opisyal ng umarangkada ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ng pnansyal na tulong para sa mga lokal na panaderya.

Sinimulan nitong ika-14 ng Abril 2026, araw ng Martes ang pagbibigay ng tulong na aabot sa halagang tig-25 libong piso kada panaderya.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay nakipagpulong si Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso sa mga panaderya sa lungsod at napagkasunduan ang patungkol sa asisteng maihahatid ng pamahalaan.

Inaasahan na kapalit sa ipinamahaging ‘economic assistance’ sa mga panaderyang kalahok sa programa, pananatilihing abot-kaya ang presyo ng mga mabibiling pangunahing produktong tinapay.

Wala munang paggalaw sa presyo ng Basic Filipino Bread na pandesal, pan de limon, Spanish bread at putok na kadalasa’y alumsal ng pamilyang Pilipino.

Ito’y ipatutupad sa loob ng 30-araw o isang buwan kasunod na matanggap ng mga panderya sa Maynila ang tulong-pinansyal mula sa lokal na pamahalaan.

Alinsunod ang naturang programa sa mga aksyon at pagtugon ginagawa kasabay ng kinakaharap ng bansa na krisis sa gasolina.