-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Iranian President Masoud Pezeshkian si Pope Leo XIV matapos ang mga insulto at kontrobersyal na pahayag ni US President Donald Trump.

Tinuligsa ni Pezeshkian ang ginawang pag-post ng mga patama ni Trump at paglapastangan umano sa relihiyon at insulto sa dignidad ng Catholic leader.

Si Pope Leo XIV, ang kauna-unahang American pope sa kasaysayan ng Simbahang Katolika, ay kilala sa kanyang matinding panawagan para sa kapayapaan at dayalogo sa gitna ng mga pandaigdigang tensyon, kabilang ang sa Iran.

Ang kanyang mga pahayag laban sa karahasan at digmaan ay nag-udyok ng matinding reaksyon mula pangulo ng America, na nagbunsod ng insulto at kontrobersyal na imahe.

Nag-post pa si Trump ng AI-generated image kung saan inilarawan niya ang sarili bilang tila si Jesus.

Sa kabila ng kontrobersya, nanatiling nakatuon si Pope Leo XIV sa kanyang misyon ng kapayapaan at pagkakaisa, habang ang suporta ni Pezeshkian ay nagbigay ng hindi pangkaraniwang solidarity sa pagitan ng Iran at Vatican.