-- Advertisements --

Bahagyang nabawasan ang taglay na lakas ng hangin ng super typhoon Sinlaku sa nakalipas na magdamag dahil sa interaksyon sa ibang weather system.

Namataan ang sentro nito sa layong 2,455 kilometro silangan ng Southern Luzon.

Taglay nito ang pinakamataas na lakas ng hangin na 205 km/h malapit sa sentro at bugso ng hangin na umaabot sa 250 km/h.

Kumikilos ito sa direksyong hilagang-hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.

Bagama’t malayo pa ang bagyo sa kalupaan ng Pilipinas, patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang posibleng epekto nito sa susunod na mga araw.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso at maging handa sa anumang pagbabago ng lagay ng panahon.