-- Advertisements --

Muling nanawagan si Senator Imee Marcos sa pamahalaan na suspindihin ang Value-added Tax (VAT) sa produktong petrolyo upang maibasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa sektor ng pangingisda at agrikultura. 

Ayon kay Marcos, ramdam na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang bigat ng gastos sa diesel at halos hindi na aniya makapalaot ang mga mangingisda sa mahal ng krudo at nagbabala na maaring tuluyang malugi ang maliiit na mangingisda kung walang agarang tulong ang pamahalaan. 

Kasunod nito, iminungkahi ng senadora na pansamantala pagtanngal ng VAT sa petrolyo, partikular para sa municipal fisherfolk at mga rehistradong commercial fishing operators ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 

Binigyang-diin din nya ang pangangailangan ng agarang aksyon upang maibsan ang mataas na gastos sa produksyon ng mga magsasaka at mangingisda na maaring makaapekto sa suplay ng pagkain at magdulot ng pagtaas ng presyo sa merkado. 

Ayon sa mambabatas, kung kayang ng magbigayy ng tax relief sa ibang sektor, mas nararapat umanong unahin ang mga sektor na pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng bansa.