-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa natagpuang kalansay ng isang estudyante sa isang liblib na taniman sa bayan ng Tubungan, Iloilo.

Ang biktima ay si alyas Nene, senior high school student, menor de edad, at residente ng Brgy. Agdao, Tubungan, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sgt. Hernane Paras, imbestigador ng Tubungan Municipal Police Station, sinabi nito na dalawang taong nang pinaghahanap ang biktima ng kanyang pamilya.

Ayon kay Paras, ang may-ari mismo ng taniman ang nakakita ng kalansay ng dalaga.

Kinumpirma naman ng kanyang ama na mga kalansay ng kanyang anak ang natagpuan kung saan patunay ang ID at mga gamit nito na natagpuan rin sa lugar.