-- Advertisements --
Pumanaw na ang Filipino-American aktres Mary Rivera sa edad na 82.
Nakilala ang aktres sa pagganap bilang lola ni Ned ang matalik na kaibigan ni Spiderman na ginampanan ng actor na si Jacob Batalon.
Sinabi ng kaniyang kaanak na dumanas ito ng stroke kung saan ito ay inilagay pa sa life support.
Isinilang noong Hunyo 2, 1943 sa Iloilo at isang retiradong missionary ng simbahan.
















