-- Advertisements --

Muling ikinasal sa pangalawang pagkakataon ang Filipino-American actor Jacob Batalon sa kaniyang asawang si Veronica Leahov sa France.

Isinagawa ng Spider-man star ang kasal mula Agosto 25 hanggang 27.

Ito na ang pangalawang pag-iisang dibdib ng dalawa na unang ikinasal sa korte.

Ilan sa mga dumalo sa kasal ay ang aktor na si Tom Holland at Zendaya na nakasama niya sa pelikulang Spider-Man.

Noong Marso 2025 ng ianunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa fans ng aktor.