-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan ang Hollywood actor na si Tom Holland matapos na maaksidente sa shooting ng pelikula.

Ayon sa kampo nito na nagtamo ng mild concussion sa ulo habang ginagawa ang pelikulang “Spider-Man: Brand New Day”.

Sinasabing natamo nito ang injury ng magkaaberya sa kaniyang stunt scene.

Dahil dito ay kailangan niyang magpahinga ng ilang araw bago ipagpatuloy ang paggawa ng pelikula.