Malaki ang tiwala ng dating two-time welterweight world champion Shawn Porter na siya na ang mapipili ni Manny Pacquiao na susunod na makakalaban nito.

Ito ay matapos na siya na lamang ang natitira sa listahan ng team Pacquiao na susunod na makakalaban nito.

Nasa listahan ni Pacquiao na nilabas noong Nobyembre ay sina Mikey Garcia, Shawn Porter at Danny Garcia.

Kailangan pa ng isang tune-up fight ang dating junior welterweight champion Danny Garcia kaya pumirma ito para labanan si Ivan Redkach sa Enero.

Habang pinili ni dating four-division world champ Mikey Garcia ng one-fight deal sa DAZN kung saan papangalanan pa ang makakalaban nito.
Tiniyak naman ni Porter na kaya niyang patumbahin ang dating sparring partner at fighting senator.