LA UNION – Wala umanong naitalang community transmission ng COVID-19 sa bansang Australia nitong mga nakaraang araw.
Ayon Bombo Radyo International News Correspondent Denmark Saude ng ngayon ay nasa Sydney, Australia, pawang mga overseases o galing sa ibang bansa ang naitatala sa kanilang lugar na tinamaan ng COVID-19.
Mababa man ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Australia ay hindi naman nagiging kompiyansa ang pamahalaan dahil patuloy ang pagsasagawa ang sewerage testing o bagong paraan ng pamahalaan laban sa nabanggit na virus.
Ibig sabihin wika ni Saude, kung may makukompirma na virus mula sa tubig na nanggagaling sa kanal ay sasailalim naman sa COVID-19 test ang mga naninirahan sa naturang village o barangay.
Nabatid na umaabot ngayon sa 74 active cases ng COVID-19 sa Australia at nanatiling sarado pa rin ang naturang bansa sa pagpapapasok ng ibang lahi o dayuhan.