ILOILO CITY – Hindi na umano magsasampa ng kaso ang Iloilo City Police Station 1 laban sa pulis sa na nagsangla ng kanyang service firearm at sa kalaunan ay ginamit sa pagbaril-patay sa isang Chinese businessman sa Iznart St., Iloilo City Proper.
Ang pulis ay una nang kinilala na si Corporal Val Allan Lisay, kasapi ng Mandirigmang Mang-aawit ng Police Regional Office VI.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Col. Enrique Ancheta, chief ng PNP Regional Crime Laboratory, sinabi nito na nagtugma sa cross-matching at ballistic examination ang 9mm service firearm na ginagamit sa pagpatay ng suspek na si Andy Mahinay alias Hapon sa biktima na si Willie Sy, negosyante ng fashion accessories.
Ngunit hindi sasampahan ng kaso si Lisay dahil wala siya sa crime scene at napatunayan na wala siyang intensyon na patayin ang negosyante.