Isasagawa na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nationwide qualifying exam para sa mga nais maging Basic Communication Navigation Surveillance System Officers ngayong darating na Sabado, Agosto 9, kung saan aabot sa 534 na aplikante ang inaasahang sasabak sa pagsusulit na gaganapin sa iba’t ibang testing centers sa buong bansa.
Kabilang sa mga lugar na magsisilbing testing sites ay ang Civil Aviation Training Center sa Pasay, Clark International Airport, Puerto Princesa International Airport, Kalibo International Airport, Catarman Airport, at Cotabato Airport.
Bahagi ng naturang pagsusulit ang pagtukoy sa mga kwalipikado para gumanap ng mahahalagang tungkulin sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga critical systems sa communication, navigation, at surveillance—na siyang backbone ng air traffic management system ng Pilipinas.
Ayon sa CAAP, ang gagawing pagsusulit ay bahagi ng kanilang patuloy na pagsuporta sa ligtas, eficient, at makabagong operasyon ng air transport sector alinsunod sa pamantayan ng navigation surveillance system