-- Advertisements --

Walang impormasyon ang House of Representatives (HOR) kaugnay sa isinawalat ni Senator Ping Lacson na nasa 67 congressmen na mga contractor ang sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ito ang tugon ni House of Representatives Spokesperson Atty. Princess Abante ng tanungin hinggil sa naging pagbubunyag ng senador.

Sinabi ni Abante na hindi naman na expound ng mabuti ni Senator Lacson ang nasabing impormasyon.

Giit pa ng tagapagsalita ng Kamara na hintayin na lamang kung ano ang magiging susunod na hakbang ng Committee on Public Accounts na siyang nag-iimbestiga sa mga maanomalyang flood control projects.

Ang hakbang ng Committee on Public Accounts ay tugon sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang SONA kung saan nais nitong panagutin ang mga nasa likod sa mga palpak at ghost flood control projects.

Batay sa naging pahayag ni Sen. Lacson nasa 67 miyembro ng House of Representatives nuong 2022 ang umanoy mga contractors sa kanilang mga government-funded infrastructure projects.

Sa panig naman ni Senator Erwin Tulfo na nasa 10 o higit pa sa 20th Congress ang nagsisilbing contractors para sa kanilang government-funded projects subalit wala siyang ideya kung mayruon din sa mga senador na mga contractor lalo at siya ay neophyte.