-- Advertisements --

Naihatid na sa Batanes Group of Islands ang higit sa 4,800 na family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa tulong ng mga aircraft mula sa United States military.

Ang mga naturang family food packs ay mula sa kabuuang bilang na 6,300 na siyang inilan para sa naturang lalawigan upang ipamahagi sa mga lubhanag naapektuhan ng bagyo at ng habagat.

Ayon sa Department of National Defense (DND) ang paghahatid ng mga FFP’s ay nagumpisa pa nitong Hulyo 30 hanggang nitong unang araw ng Agosto gamit ang MV-22 Osprey na siyang mula sa US Indo-Pacific Command.

Samantala, ito naman ay bahagi pa rin ng humanitarian response coordination sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.