-- Advertisements --
Balik-operasyon na ang buong Light Rail transit Line 2 (LRT 2) matapos tamaan ng kidlat ang kable nito sa Antipolo Station dahil sa kidlat nitong Martes, Agosto 5.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), naayos na ang sira sa tren.
May biyahe na muli mula Recto hanggang Antipolo at pabalik.
Pansamantalang natigil nga ang operasyon mula Recto hanggang Araneta-Cubao lamang pagkatapos tumama ang kidlat bandang alas-3 ng hapon, ng gabi, Agosto 5.
Samantala, pansamantalang ginamit ang mga shuttle van para maihatid ang mga apektadong pasahero sa kanilang destinasyon.