-- Advertisements --

Good News!

Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 at Light Rail Transit (LRT) Line 2 sa lahat ng mga solo parent na pasahero.

Maaaring maavail ang naturang serbisyo sa darating na Abril 26 ng taong ito.

Kinumpirma ito ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development ngayong araw.

Ayon sa ahensya, ang libreng sakay na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng National Solo Parents Week ngayong buwan.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DSWD Assistant Secretary Ada Colico, lahat ng mga rehistradong solo parent ay maaaring makapag avail ng libreng sakay mula alas 7 ng umaga hanggang alas 9 ng umaga.

Para naman sa susunod na batch ay maaaring ma-avail ang libreng sakay mula alas 5 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi.

Sa mga mag-aavail ay kailangan lamang mag presenta ng Solo Parent Identification Card.