-- Advertisements --

Target ng Department of Transportation (DOTr) na isagawa ang pilot run ng automated fare collection (AFC) system sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) sa susunod na buwan.

Ayon kay Transportation Sec. Vince Dizon, layunin nito na makapagbigay ng karagdagang opsiyon ng pagbabayad ng pasahe sa tren.

Saad pa ng kalihim na sa AFCs, maaaring magbayad ng pasahe sa pamamagitan ng pag-tap lamang sa debit o credit cards sa mga counter ng MRT 3.

Base sa kalihim, inaasahang masisimulan ang rollout ng automated fare collection sa ikatlong linggo ng Hulyo.

Saklaw ng MRT 3 ang mga istasyon mula North Avenue hanggang Taft Avenue sa may kahabaan ng EDSA. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Quezon, at Mandaluyong.