-- Advertisements --

Balik na sa normal ang operasyon sa Metro Rail Transit Line -3 (MRT 3) matapos ang naranasang technical glitch sa pagitan ng intersations ng Santolan at Ortigas southbound kaninang umaga, Martes, Nobiyembe 18.

Nagdulot ang insidente ng mahabang pila at stranded na mga pasahero.

Sa isang advisory, humingi ng paumanhin ang Department of Transportation (DOTr) sa mga naapektuhang pasahero dahil sa abalang idinulot ng insidente.

Ayon sa ahensiya, agad na ipinadala ang maintenance teams sa site, nagsagawa ng kaukulang safety checks at sinikap na maibalik agad ang buong serbisyo.

Kaugnay nito, nag-alok ang ahensiya ng libreng sakay para sa buong araw ngayong Huwebes.

Kasunod naman ng technical glitch, agad na ipinag-utos ni Transportation Secretary Giovanni Lopez si Land Transportation Franchising and Regulatory Board chair Vigor Mendoza para hilingin sa private operators ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) Busway para magdeploy ng karagdagang buses para maserbisyuhan ang mas maraming pasahero.