-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang plano nitong pagpapalabas ng mga pangalan ng mga lumalabag sa batas-trapiko.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, plano nilang maglabas ng listahan kada linggo.

Posible aniyang tawagin ito bilang ‘Do Not Imitate’ o ‘Do Not Follow’ list.

Ibinunyag ng opisyal ang naturang inisyatibo matapos ang matinding paglabag sa trapiko na nagresulta sa habambuhay na pagkakansela ng lisensya ng isang tsuper nitong Martes, Agosto 26.

Saad ng kalihim na seryoso siya dito at nagbabalang mas mabuting huwag sumuway sa batas-trapiko upang hindi mapasama sa listahan sa oras na maipatupad na ito.

Dagdag pa niya, kasalukuyang pinag-aaralan na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza ang nasabing hakbang.