Nagpadala ang Philippine Navy ng barko sa karagatan malapit sa Palawan para suriin ang posibleng bumagsak na debris ng Long March 12 rocket ng China.
Ayon kay PN spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ginawa ito upang matiyak na walang naiwan na debris sa lugar.
Sinabi naman ni National Security Adviser Eduardo Año na nagpadala rin sila ng mga sasakyang panghimpapawid at pandagat upang tumulong sa paghahanap.
Bagamat walang naiulat na nasaktan o nasira, may panganib na dulot ang mga bumagsak na bahagi ng rocket sa mga sasakyang dagat, eroplano, at mga tao na dadaan sa drop zone.
Kinondena rin ni Año ang hakbang ng China dahil inilagay nito sa panganib ang mga residente ng Palawan.
Ayon sa opisyal, nakarinig ng malalakas na pagsabog ang mga taga-Puerto Princesa at ilang bayan sa lalawigan ang nakakita rin ng pagliyab ng apoy sa kalangitan na nag-iwan ng bakas ng usok.