Inanunsiyo ni Tennis star Serena Williams ang pagsali niya sa US Open tennis tournament ngayong taon.

Gaganapin ang nasabing torneo mula Agosto 31 hanggang Setyembre 13 na siyang unang major tennis tournament na babalik dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ng 23 Grand Slam champion na hindi na ito makapaghintay na maglaro sa US Open 2020 na gaganapin sa New York.

Nauna rito inanunsiyo ni New York Governor Andrew Cuomo na pinayagan niya ang pagbabalik ng tennis kahit walang mga audience.

Nasa ranked number 9 ang 38 anyos na si Williams na huling lumaban noong Enero sa Australian Open kung saan tinalo siya ni Qiang Wang ng China sa third round ng three-set match.