-- Advertisements --

Nagkampeon sa women’s singles ng Wimbledon si Iga Swiatek.

Ito ay matapos na hindi papormahin ang American tennis player na si Amanda Anisimova sa score na 6-0, 6-0 sa laro na tumagal ng 57 minuto.

Ito na ang pang-anim na Grand Slam title ng world number 8 na Polish tennis star.

Ang 24-anyos na si Swiatek ay siyang pangalawang manlalaro sa Open era na nagwagi ng major ng walang talo sa laro sa final na ang una ay si Steffi Graf ng talunin si Nataliz Zvererva noong 1988 French Open.

Labis na ikinatuwa ni Swiatek ang panalo dahil siya lamang ang unang Wimbledon singles champion mula sa Poland kung saan nagkampeon na ito sa lahat ng major titles.